Grabe! Akalain mong last login ko sa Friendster ay mga isang linggo pang nakalilipas? At ang last blog entry ko ay April 11 pa. Isunod na dun yung mga iba ko pang chorva accounts. Ang saya! Ang tagal ko ring hindi nakahawak ng computer. Anyway, salamat Roleen, Kuya Eackouye at FredytheFilipino sa mga comments! Napa-smile ako habang binabasa eh. So 'yun, naisipan ko agad mag-blog.
Okay so dumating kami from Subic nung April 14, anniversary pa ni papa and mama! Hmmm, isa-summarize ko na lang dito yung trip namin:
DAY ONE
Aga namin nagising! Teka wala na kong maalala.
Basta maaga rin kaming nakarating sa Subic eh, nagpunta muna kami dun sa bahay na titirahan namin. Thanks again to Tita Junel. Mas maayos naman siya dun sa last na bahay na tinulugan namin noh, at least dun sa ngayon, may nakikita na 'kong mga tao at talagang maraming nakatira, eh yung dun sa last, kami lang, sobrang creepy. Anyway yun nga, binaba na namin yung sangkatutak na gamit namin (10 kami). So ang alam ko eh kumain muna kami sa Magic Lagoon, dun kami lagi kumakain ng lunch. Kasama naman yung 2 anak ni Tita Junel na si Lorenzo at John Paolo (ata) Pinanood namin sila mangisda, medyo marami rin sila nakuhang tilapya dun. At akalain mo yun, nakabinggwit ako ng isa! *clap clap* After kumain, pumunta na kami sa JEST camp para sa aming survival training (naks) Ang cool ni kuya, hanep. Mabubuhay ka na pala sa gubat eh, basta may itak ka lang. Kasi may mga bamboo dun na pwedeng maging source ng tubig. Ang cool nung experience kasi may actual demonstration and interaction. Dumaan pa nga kami sa mga nag a-airsoft war game so tumigil muna yung giyera nila. 'Hold your fire' pa nga raw eh. So yun, nakainom kami ng fresh water galing sa bamboo. Gumawa rin siya ng baso, spork at FIRE! COOLNESS mehn. At dun ko napatunayan, na ang Ipanema na nabili ko nun sa DFS at matibay! Bwahahaha, kasi akong si tanga hindi nagdala ng pang hiking. Nagtagal kami sa JEST, after nun, El Kabayo! Nangabayo kami, then umuwi na.
DAY TWO
Bits na kami! Nagpunta kami ng White Rock para naman mag-swimming. Ghad, dun na lang ako ulit nakaligo sa dagat. Takot kasi ako mangitim, sayang ang pinaghirapan kong pagli-Likas papaya noh! Pero awa ng Diyos, hindi ako nangitim, tinadtad ko kasi ng sunblock ang aking badi;) Ang ganda ng resort, okay naman yung beach, pati yung mga pools. May mga slide ek ek. Mage-enjoy naman kayo dun. Nung gabi, kumain kami sa...Mango something something. Treat ata nina Tita Junel. Hot pot baby! Kaso di ako kasama sa mga nag ganun. Haha. So ayun, pag-uwi, bagsak ako sa kama.
DAY THREE
- Paiksi ng paiksi ang summary ko -
Nag-brunch (naks) kami sa Pancake House. Nag road trip, pumunta ng Camayan Resort. Okay anniversary ng aking peyrents so dapat iiwan lang nila kami sa Jungle Joe eh kaso may taping ang Kung Fu Kids! Inangkin yung buong lugar eh. Lecheng mga bata. JOKE. So no choice, go kart na lang kami sa Le Man's at fishing sa Magic Lagoon. WALA AKONG NAHULING ISDA. Kainis eh, ang baho baho pa nung bait. Tae ata yun ng kalabaw. Pero yung kapatid ko may nahuling isa. So yun mga 3 or 4 na rin kami nakaalis ng Subic. Dumating ng bahay mga 6 na ata.
HAHAHA ayoko na, tama na. Next time na lang. Magpo-post naman ako ng mga pichurs!