
Anak ng pating! HAHA okay. Nakuha ko sa pakikinig ko sa RX. Kaaliw talaga yung daily top ten sa The Morning Rush. Favorite ko sila. Yun ang lagi kong pinakikinggan tuwing papunta ng school.
GRABE, nagulantang ako, nilakasan ko pa yung volume ng TV para manigurado eh. May Spongebob na pala na Tagalog version! Sheet mehn! Katawa. Medyo ang weird nga lang pero nagaya naman yung boses. Kaso ang weird talaga. Naaliw ako, meron na pala. Wow. Yun pinapanood ko, well background music ko ngayon.
Saya kahapon, suspended! Medyo nagulantang na naman ako. HAHA nung umaga kasi, pag-enter ko ng kotse, nagp-play yung
"Everybody's Free (To Wear Sunscreen)" ni Baz Luhrmann. Akala ko CD, chineck ko radio pala. Wow pinapatugtog din pala yun sa radio. Ayos.
Hmm, ayun nga suspended, tapos pag-uwi ng bahay, nanood ng Olympics tapos nakatulog ng mga hanggang 6. Sarap ng buhay mehn. Tinamad na nga lang.
Saya ng August, daming No Classes, daming disruptions. Kaso pahirapan na naman yan siyempre. Bukas manonood kami ng NoliFili fest. Sa PETA Theater, ang saya nga eh at walang lessons bukas. Nako, papanoorin ko talaga si Pilosopong Tasyo para magka-idea ako kung pano mag a-acting. Ghad, monologo na. Sobrang di ko kaya yun. Bahala na lang:D
Hmmm, yun lang. Init na ulet.